kanina, habang nakasakay kami pauwi ng mga kaibigan ko, inaalala naming tatlo yung pag-aayos sa thesis namin, nagsimulang mapuno yung jeep na sinasakyan namin, isa-isa silang pumasok.. kapansin-pansin na marami silang dala, normal na din sa loob ng jeep na maingay, daldalan, pero, halatang lahat ay abala... sa iisang bagay.. THESIS!! narinig namin sa bawat isa ang kaabalahan nila sa thesis, pinuproblema ang pagkain ng panel, ang projector, ang oras, ang pagkumpleto ng thesis, at marami pang iba.. nangingiti na lamang ako sa mga salitang tinutugon nila.. ngunit isang tanong lamang ang naisip ko noon...
bakit nga ba kailangang gumawa ng mga estudyante ng thesis??
No comments:
Post a Comment