Sunday, March 6, 2011

..03/06/11.. ang inis..

baguhan pa lamang ako sa pagbblog...   bago ko gawin itong blog ko, ipinangako ko sa sarili ko na iiwasan kong magpost dito ng mga opinyon na magdidiin sa iisang tao tungo sa 'darker side'..  pero, paano kung lubha silang nakakasakit at nakakapinsala sa buhay ng maraming tao...

inis...  oo, inis..  hindi galit, o poot..  inis, iyan ang nararamdaman ko para sa isang tao na minsan ko na ring tinuring na kaibigan, minsan ko nang nahingahan ng problema ko tungkol sa mundo, nakasama ko sa saya at lungkot.. pero bakit nga ba kahit gaano pa ang haba at ganda ng pinagsamahan ng dalawa, ang tiwala ay maaaring mawala in just one snap...  nakakalungkot man isipin, hindi ako, kundi siya ang nagkumbinsi sa akin na maramdaman yung ganito...  mali kasi talaga..  maling mali..

minsan ko nang naging kaututang dila ang batang itago na lang natin sa pangalang JEAN..  :)    mabait naman siya, we're absolutely fine..  one day, inaya niya kami sumali sa paluwagan..  buwanang sweldo..  bale magbabayad ng 30 per day..  may kabigatan, pero okay naman ang sweldo...  kinumbinsi kami..  nagtiwala, sumali kami.. tsaka niya inamin sa amin na kailangan niya ng pera kaya siya nagput-up ng ganon.. "iyan ba ang mga mukhang di magbabayad?" iyan ang sinabi niya, dahil din doon, nabuo yung grupo namin, 7 dwarfs ang ngalan, kasi obviously 7 kami..  at first okay ang paluwagan...  hanggang sa inutang niya yung sweldo nung 1, tapos di na nagbabayad, bigla pang lumipat ng school..  wow,,   ngayon?   nagtatago..   nihide kami sa facebook, nagpalit ng number.. so..  kamusta na kaya siya?


naniniwala ako sa karma, sana lang di ganong kagrabe yun...  :)      hindi kami nag-aaway sa pera, madali lang yon..  di lang talaga makatarungan yung ginawa niya, para kaming walang pinagsamahan..  

alam ko, sooner or later mababasa nya to..   kaya, miss JEAN,  hindi ako ang nagtulak sayo para mainis ang buong klase at may masabi tungkol sayo..  kasi kung hindi mo naman nagawa ito,, wala kang maririnig mula sa amin.. 

No comments:

Post a Comment