Thursday, March 3, 2011

..03/03/11.. burden niya, dala ko din..

wednesday,,  i saw someone na umiiyak, well..kilala ko sya, pero di nya ata ako tinuturing na friend...  :'/  morning kasi iyon, nasa room kami..my pinapraktis para sa activity.. pumasok siya ng room like everything is normal, medyo nakasimangot nga lang, iyon ang unusual, coz dati, papasok siya, napakagwapo, nakangiti, tapos kapag binati mo ng good morning, isang nakakamatay sa kilig na "Hello" ang sagot niya...  sa hitsura niyang iyon, i know, something's wrong..  di ko naman sinasadya na makita ang mga sumunod na nangyare...  lumapit siya sa isa niyang super friend, tapos nakita ko na lang, nakayuko siya, yung friend nya hinihimas yung likod nya, parang kinocomfort.. i'm not sure what's happening..  pero nakita ko humihikbi siya,,  ahh...  umiiyak..  naisip ko,, ano kaya ang problema niya, gusto kong makatulong..  gusto kong maging kaibigan niya, pero paano??  tama ba??  wala akong magawa...  isip.isip.isip....   nakita ko, nahahawi yung kurtina sa pagitan namin, in other words, baka makita pa siya ng ibang tao,, kaya i made the first move...  pumunta ako sa lugar na abot ko si kurtina pero wala akong maririnig mula sa kanila.. hinawakan ko si kurtina para walang makakita sa kanya... di pinokus ang atensyon sa naguusap, nakichika ako sa classmates ko para walang marinig sa kanila...  after around a minute or two,, pinakiramdaman ko kung tapos na,,  okie na.. nagulat ako ng tumayo siya, hawak ang panyo pinunasan ang luha,, at bumalik ang dati na parang walang nangyari... isang mahusay na pagpapalit-anyo...  bilib ako sa kanya, ibinuhos niya ng isang bagsakan ang pasan na mundo tapos ayos na,, :)     akala ko kaya na niya,, pero mali ako...  alintana pa rin sa kanya ang lungkot..  di ko na narinig ang masaya niyang tawa, ang magiliw na bati sa pasilyo, kahit ang anino niya ay di ko pa nakikita.. nalungkot ako para sa kanya.. kailan ko kaya ulit mararamdaman ang presensya niya? kung sana makatulong ako sa kanya..  pero sapat na ata yung tignan ko siya mula sa malayo..

No comments:

Post a Comment