Friday, July 29, 2011

salamat po sa palagiang pagbisita ninyo sa aking blog..kahit puno ito ng kalokohan ko..  salamat at umabot na sa isang libo ang total pageviews ko..  :)    gusto ko magthank you sa taong nag-inspire sa akin..   EPISTAXIS..  salamat po at nagkaroon ako ng pagkakataong makilala kayo..  salamat po,,  miss na miss ka na po namin... sa mga kaibigan ko, pamilya, kay BRO..  :)  i love you all...  :*     please keep on supporting this blogsite..  thanks a lot..  mwah..   :*       




dated:  july 29, 2011


                    <3 much!!!

Wednesday, July 27, 2011

..07/27/11.. walang pasook

dahil kay bagyong 'juaning'.. rest day namin..   wala akong ginawa kundi matulog, kumain, manuod, maginternet..  hahahahahahahah..  10am na kasi ako nagising kanina..  :p


so ngayon may chance ako magkwento ng something..  ;p   at ito ay yung nakakaaliw na araw ko.. nung monday.. (july 25,2011) hahahahahah


toxic ito, bakit? kasi prelims namin sa microbiology, may quiz din na kakambal..  so, brain-drain talaga ang nangyari...  after nun, syempre pagod na kami,.. tapos may kumalat na text message saying, uwian na daw suspended ang classes.. nung pumutok ang balitang ito, wala kami sa room, lumabas saglit..pagbalik namin, nasa kalahati na ang tao sa room, nag-uwian na daw., false alarm pala.. bumalik yung ilan.. buti na lang di namin ugali yung uuwi kagad.., ang ending, bawas kami..absent na daw yung wala doon..
so after a brain-draining morning, irritating message, here comes a neutralizer.. nagpa-games si mam.. :)   super enjoy talaga.. natanggal yung stress namin..  larong nagpabalik ng energy namin..   :)
 before the game starts, pinaisip muna kami ng name per group..naisip nila yung team LIBOG..  may meaning yan wah!.. 
L-iving
I-nnocent
B-abies
O-ut of parent's
G-enes
  team LIBOG!!   :D
first round: paunahan masagot yung tanong ni mam (related ito sa subject namin--quiz bee).. 
second round: charade..   pahuhulaan yung word by means of acting it..
   --nakakastress yun para sa akin..   may salitang nakapagpalupasay sa akin sa sahig ng N3..   


'mechanisms of labor'


The Mechanisms of Labor occur to the fetus during delivery. Knowledge of these mechanisms enables the nurse to proceed with normal delivery and detect if any abnormalities are occurring during delivery that can enable the health care team to perform measures that could prevent possible complications.   -- nursingcare101.com






snapshots!:


2b w/ mam lanie.. (ganda nya noh!!)

'mechanisms of labor'..  look what you've done!!

team LIBOG

sakit sa ulo ng charade wah!!




nakakapagod pero masaya!!   sana maulit!

Thursday, July 21, 2011

..07/22/11.. perstaym

kahapon, first time ko magturo sa mga taong di ko kakilala ng lubos.. health teaching kasi..   e ang ayoko sa lahat yung nagtuturo..  i'm more on written stuffs..  kaya malaki itong burden sa akin.. well, natapos ko naman yung isa kong family, and that's fine for now..  sobrang nakakakaba.. yung feeling mo, yung puso nmo nalaglag na sa paa mo., ganun..  kahit kaya simpleng retdem(return demo) lang, para kong ikamamatay.. :p


mabuti na lamang at mabait si nanay..  :)   medyo napawi yung kaba ko..  :D    naaalala ko sa kanya yung mama ko,. kasi napakabait niya, palabiro, masayahin, maaalahanin, at kaya akong ipagtanggol..  :p  [secret na lang namin iyon..xD]    may alam na din kasi kami sa buhay ng isa't-isa, ikaw ba naman kasi ang bumalik-balik doon ng twice a week, tapos puro interview at kwento,pangangamusta..  :)    medyo natuto na ako mag open-up sa ibang tao..marami talaga akong natututunan sa community na di ko karaniwang natututunan sa bahay lang o sa araw-araw na paglalakad kung saan.. kaya lang, kailangan ko pa ng practice..  :)   may hiya pa ako e..  ^^




si nanay..  :)  preggy, ako po ang ninang wah!  :D



..  sa pagsama namin sa ht ng iba, nakakatuwa silang pagmasdan..  :)

 some pics..  ^^

si kapatid!

krising!

aiihh..  ang cute noh..  :)  cute nila..  :D


Wednesday, July 20, 2011

malapit na pala mag 1k yung nakabasa o nakabisita sa blog kong ito..  :)  kung may paraan lamang para malaman yung pang 1k..  hmm, gusto ko sanang magpasalamat sa mga taong walang sawa o sa mga nagtitiyagang bisitahin ang blog kong magulo, makulit, maingay..  pero kahit na ganun yun..  sana kahit sa maliit na paraan ay naaliw kita, nakalimutan mo panandalian ang problema mo, nabuwisit kita, natuto ka sa kalokohan ko, at  na-touch ko ang buhay mo,..  sa mga followers ko..  myself, jassiel, cris, ate thine at syempre si sir aj (ang taong nagsilbi kong inspirasyon sa pag-aaral at paggawa ng blog na ito)..  maraming maraming salamat po..  nandito na talaga kayo sa puso ko..  :p  idol ko kayo..  :)   sa mga naiinis sa blog ko..  sorry ha..  :)  , mahal ko kayong lahat..  :D   






i love blogging!!!  <3    more posts to come..   POST.POST.POST

..07/20/11.. ...

"sinungaling ako kung sasabihin kong masaya ako.. pero napakasinungaling ko naman kung sasabihin kong di pa ko napapagod.. x(( "

-- aLeng


photo, courtesy of: Ms. Lhanz

it's funny how it seems exciting for me to experience epistaxis..




Epistaxis (from Greek ἐπιστάζω (epistazo) to bleed from the nose: ἐπί (epi) - "above", "over" + στάζω (stazo) - "to drip" [from the nostrils]) or a nosebleed is the relatively common occurrence of hemorrhage from the nose, usually noticed when the blood drains out through the nostrils






why am i excited??  hahahah..  because i've never experienced such thing..  even though i hate blood, i still want to experience it..  hahahahah..  crazy huh?!    xD











..07/20/11.. fruitful conve.. :/

fruitful..   bakit??  eto..


>kagabi, habang nagbubukas si ama ng account sa computer at ako, nakahiga (kakauwi lang, 7pm)..






Aq:  pa, what if.. sabihin ko, gusto ko nang huminto sa pag-aaral?

Ama:  oh? bakit?

Aq:  e, napapagod na po ako e, ang dami-dami pong ginagawa..TOXIC talaga, deadly!..  wala na po akong tulog halos..ang hirap po...  *teary-eyed* :(

Ama:  e paano kung ibalik ko sayo yung tanong?

Aq:  (sarcastic look) ha?

Ama:  paano kung sabihin kong napapagod na ako magtrabaho? hihinto na rin ako..





> yung totoo, natahimik ako.. di ko alam kung positibo ba iyon o negatibo..  parang gusto niyang sabihin na..titigil ka sa pag-aaral, dami ko nang nagastos sa iyo..  natatakot din akong huminto.. sayang ang oras..ang panahon, ang pera..  sayang.. lalo akong natatakot na baka may masabi sila sa akin.. na parang, pamilya tayo na inclined sa medicine..kung kaya natin, bakit di niya kinaya? ..  naluluha ako, pramis..  T.T   


sana bigyan pa ako ni Bro ng lakas at tibay ng loob sa pagdaan ng panahon.. kinakabahan ako, kung sa ako lang, kaya pa ng isip ko sa ngayon..  pero yung katawan ko..   :'(      ayaw kong dumating yung panahon na pagsisihan ko ang mga ginawa ko..  kaya ko ito!   sa mga tao sa paligid ko, lalo na si *toot*, wag mu namang gatungan ang lahat..napapagod na ako e, dagdag ka pa..   :'(((    sa mga inspirasyon ko,salamat.. kayo ang dahilan kaya nakakapit pa ako dito..  :)








.. please,give me more time, i'll learn to love my course, and stay happy with it ..   

Monday, July 18, 2011

..07/19/11.. hahahahahah

time check:  4:16am..  wala pa akong tulog dahil sa mahiwagang health teaching na iyan..   pero nagkaroon pa talaga ako ng time para bisitahin yung blog ko..   nalulungkot nga ako e, tagal na din kasi since nung huling bisita ko..  so let me share a part of what i'm thinking right now..




..i want a new laptop..  kasi si 'ACE' bumigay na..  iniwan na niya ako..  i'm looking for another one.. until i saw this laptop.. "gusto ko din nun..", as i verbalized..  hahahah,..


meet 'polee'..  my professor's partner-in-crime..  lagi silang magkasama sa hirap at ginhawa.. at sa bawat pagsasama ay tila may panahon na sinusubok tayo ng panahon. minsan, sa di sinasadyang panahon ay nangyari ang isa sa pinakakinatatakutan kong mangyari sa gamit ko..  si polee na di pinadadapuan kahit sa langaw ay natagpuang nakadapa sa sahig.. tila huminto ang oras, walang bakas ng emosyon sa mukha..kitang-kita ng mga mata ko ang lungkot sa kanya.. dasal ng lahat ng estudyante sa kwarto, "Nawa'y walang masamang nangyari"..  ngiti na lamang ang natugon ng propesora..  kinaumagahan ay naalala ko ang mga nangyari, dali-dali kong ni-pm ang propesora at tinanong kung kamusta si polee.. "hahahaha buo pa aman xa till now...", iyon ang kanyang tugon..  natuwa naman kaming lahat at buhay pa si polee..  ang tanging kumintal lamang sa isip ko ay..




"maghahanap ako ng kamag-anak ni polee..kailangan ko ang katulad niya sa buhay ko.."




'polee', nakatalikod pose..  ^^

NAKOH! mghhnap tlga ko ng katulad ni polee.. matibay e!  :D



<3 it!    :D

Monday, July 11, 2011

..07/11/11.. sa susunod

sa susunod na mga blog posts, ilalagay ko yung mga tao o mga bagay na nakakasama o nakakasalamuha ko sa araw-araw..  :)


   .. nga pala kanina, ang saya ko,..hahahah, nakakatuwa kasi maglecture yung 'mommy' namin..  so much fun, di mo mararamdaman na mahirap yung ginagawa nyo.. jolly siya, bubbly..  ^^   wish to post her here soon..  :)

Sunday, July 10, 2011

..07/10/11..

napapagod na ako..  pagod na pagod na..    :'(

Monday, July 4, 2011

..07/04/11.. hahahahah.. TULZ!

normal na siguro sa room yung nakahiwalay yung silya naming 4 na magkakabarkada(thine,chen,cris, at ako)..may sariling mundo?? hahahah..  siguro nga..


    marahil para itago ang mga bagay na di kaaya-aya sa paningin ng lahat..  


 kanina, nagrerebyu kami para sa post test sa MCN.. so ang lahat nakatutok sa hand-outs nila, si ate thine at chen, lumabas ng room para mag bladder-break.. ako, tutok din sa hand-out, si cris, nakayukyok..tulog..  di ko pinansin, normal na kasi iyon..  napansin kong bumalik na sila ate thine galing sa labas..tinignan ko sila at si cris ng biglang....








   "AY SH*T!!!!!"..  (almost pasigaw sa halos buong klase)..  kasi naman!  nataranta ako nang makita ko yung nakasilip na isang malaking butil ng laway (LANG naman!) sa nakanganga niyang bibig..  di ko kasi talaga alam yung gagawin.. so, sa sigaw kong iyon, nagising ang lukring sa pag-aakala na nahuli siya ni ma'am na natutulog..  si laway?  aba! tumulo na siya sa hawak niyang hand-out..  AT! ang tawa ko, walang tigil.. as in.. di na talaga ako makahinga, super..  kung kayo talaga yung nasa lugar ko..  AYNAKO!!  wooot!!  grabe!..  hahahahahah!!  hanggang ngayon, hindi maubos yung tawa ko..  HAHAHAHAHAHAHAHAH!!!




>sayang lang di ko nakuhanan ng litrato yung mismong pagtulo..  di ko na napigilang yung bugso ng feelings ko e..  hahahahahah.. (oh, cris! bida ka sa blog ko ngayon wah!!)<






aftershots..
oh.. siya pasimuno nito wah!!

hahahahahah!!  kakahiya!




i love you cris!!  :*