Thursday, April 28, 2011

..04/29/11.. portdei..



so, this is my day yesterday, di ako nakapag-internet, kasi may ginagawa ako..heheheh.. 


  isang subject lang ang meron kami every thursday, and that's 8:00 in the morning up to 6:00 in the evening.. minamaster ba namin?? siguro..  hahahah..  it went not that good.. bakit? syempre dahil sa init ng temperatura, at hindi kami nagklase sa room na may aircon. yung room namin, napapaligiran ng mga butro at kung ano-ano na may kaugnayan sa biology, mapabuhok ng aso, kabayo and take note, pati yung langgam, nakapin pa doon.. di ko hilig yung subject namin kaya di ako gaanong active,..  hahahah, buti na lamang at mabait yung instr.namin..  :)  basic lang naman yung tinuro sa amin, conversion, scientific notation, rounding off, it only means na mathematics siya..  doon ako umariba, i just love math kasi, it's what they all call, 'passion'.. (anu daw??)    


for that day, we all feel bored sa buhay namin..  until magbreak..  "the dialog.."




   (kasalukuyang nagtatawanan ang magkakaibigan ng biglang..)


Kristin: may dalawang klase lang ng tawa..


Chen, Kris and Me: ha??  (pumokus ang lahat sa dalaga..)


Kristin: hahahahah, tsaka heheheheheh...


Me: e paano yung tawa ni Santa Claus??


Kristin: HOHOHOHO..  OO NGA NOH..  :D


Kami: hahahahahahah!!  LOL..


--




 nagkaroon kami ng bonggang test afterwards...  tapos pinauwi na din kami, di na sinagad nung instr.namin yung time.. ^^  


(habang papuntang bayan..)


Kristin:  ang init noh.. 


Kami:  oo nga e.. >.<


Kristin: kung pwede lang sana yung CHIMNEYs* na lang isusuot ko..


Kami: ha?? CHIMNEYs????     LOL..


(*dapat chimese yun..sando+short type of attire, panloob ng nurses sa uniform..)




--


so, how did my day go? quite happy... :)
hahahah, kasi may YES! magazine na ako.. :) so happy...  ^^

Wednesday, April 27, 2011

..04/27/11.. terdei..

wohh!  third day pa lang namin sa school.. DEADLY na..  ang init kasi, as in..sobra..  tapos dagdag pa yung nakakabaliw na subjects..  and my day went like this.. ^^


  di ba kahapon, we met Sir JL, the 'walking encyclopedia'..  today, nakilala namin si sir Les, the 'extraordinary'.. si Mr.Lester Gatchalian,R.N (as he introduced himself)..from the college of nursing ay sobrang stunning.. in what way?  we actually expected him to be serious, strict or ill-tempered.. but, kabaligtaran pala.. he's really bubbly, funny, and fond of telling stories.. he first told us that our subject is very 'toxic', meaning masyado siyang mahirap..it is a topic normally discussed in five months, but we'll compress it into 6 meetings, or what he call 'sessions'.. just imagine, how hard it is to understand such a topic in this weather..it really pays a lot of attention and hard-work.. wearing his fuschia pink polo shirt, jeans and his rubber shoes(chuck taylor ata yun..), he tried to get our attention and discuss as fun as possible, with the aid of his laptop and projector.. take note: all of his slides are filled with anime characters for better visual presentation-and it is certainly effective for us.. :)  he started talking about the syllabus,and grading system at 9:00 and had our bladder/digestive break at 9:35.. as soon as we went back, we had our pre-test and continued the discussion proper at 10:25..  kapag napapansin niya na nakakaramdam kami ng boredom, he instantly tell funny stories and experiences or sometimes talk about the past anime's and koreanovelas, so halata naman na mahilig siya doon.. :) we had exactly 5 hours to finish up all the topics for the meeting, and surprisingly, wala akong na-feel na dull moment or boredom sa buong discussion..  naipasok niya sa mga utak namin ang lesson ng walang lumalabas dito(naretain? wow..bukas wala na to hahahah..), e paano ba naman, sa gitna ng lesson, seatwork,seatwork,seatwork, may post test pa.. PERO nakakatuwa talaga siya magturo, he's one of my favorites na.. :)  kakaiba siya, sobra..lalo na yung sudden change of facial expression niya..   
                i listed some of his taglines, (some of it is not the exact words he said)..  :)


>help yourself..  :)
>alam nyo minsan, buti pa yung mga aso ko, may pagkain, ako wala.. :(
>kung takot ka sa isang problema, it's either you run from it or face it (at ang tinuturo namin ay yung harapin nyo ito)..
>gusto ko nag-iisip kayo,ayoko ng patay yung utak nyo na parang niluluto sa init ng panahon..
>may development yan.. pag may anxiety ka, at pinalipas, magiging stress, at pag lumala, magiging depression na..
>did you get me? / did you get my point?
>MALINAW?  MALINAW..






 he's an effective instructor, a magnificent one..nakakahawa din siya..,lalo na yung ngiti nya.. and for that first meeting,  2thumbs up..  :)


..hmm, si Sir Lester.. sinabi, kamukha ko daw si Venus Raj..  (--_)   anyway, pangalawa na nga siyang nagsabi..  yung mga nakakakilala sa akin,, kamukha ko ba??  :)




P.S.:  hahahah.. nga pala.. kung mababasa man ito ni Sir Lester o kahit sino mang member ng faculty ng college of nursing..  i just want to say "hi po.. :)  buti po nadalaw kayo.. ^^"  at kung may problema po regarding sa mga pinost ko.. please inform me, i'll just be around.. thanks..  ^^

Tuesday, April 26, 2011

..04/26/11.. tekondei..

so, magiging marathon ito??  hmm.. so kung badtrip ang first day of summer class.., paano naman ang second day??  it went quite well.. :)


 umaga, isang subject lang kami..8:00am-6:00pm..  syempre, dumating ako ng 7:40.. pero ang instr.dumating ng before 9:00.. (well, what's new?)  nung una, sinabi ang rules and regulation, tapos puro biro lang yung daloy ng discussion(kung discussion nga yun..)   nagpapatawa si sir, wa epek!  hmm.. tanong siya, sagot kami,.. para kaming nagkakapaan.. ng biglang may nagtanong tungkol sa radiation.. dun na nagstart yung seryosong usapan, nakarating hanggang sa paglipad ni Captain Barbell, pagkakakagat ng gagamba kay Peter Parker, HIV, at madami pang iba, moody ang klase, may times na tatawa, tatahimik, dadaldal,.. hanggang sa maglunch break.. nung bumalik na kami, seryoso na talaga..discussion na nga.. natapos namin yung lesson ng 2hrs.lang..  bongga.. :)


sino si sir?   actually, hapon na siya nagpakilala.. :)   bago ko siya ilarawan, magshare muna ako ng memory tungkol sa kanya.. :)   last year, may field trip kami sa Baguio, nagkataon, magkatabi yung room nila tsaka room namin.. gabi nun, kilala naman namin sila.., pumasok siya sa room namin para na din icheck kami,.deretso sa cupboard.. "pwede pa-invade nung cupboard nyo??" sabay kuha nung pagkain.. natuwa kami, as in!  dun namin nakita yung pagiging simple at totoo ng mga instr.namin.. di talaga namin malilimutan yun..  :)  pero pagbaba ng bundok, di nya na kami kilala.. :-/  hmm..,,  balik tayo sa paglalarawan..  :)


pormal siya nung pumasok nung umaga sa room, wearing his black and red backpack.. royal blue polo shirt na may print ng Philippine map sa upper left (niya) corner..paired with jeans and rubber shoes..  he has this glossy black laptop with flags of Philippines, Canada, and UK on the cover..  isa siyang maimpluwensyang tao dahil sa ngiti niya, nakakahawa..  :)   napakasoft nung boses niya, at napaka bubbly na tao..  kung magsalita din siya, mahinang mabilis.. and KAHIT ANO ang itanong mo, he can answer it ALL..  :p    meet Mr. Levi Santana, from the college of nursing.. :)


..we call him 'the WALKING ENCYCLOPEDIA' and i'm really excited to know him better..  ^^


 so, here's my second day.. :)




"Life's really unpredictable"..  :D

Monday, April 25, 2011

..04/25/11.. persdei..

 i usually sleep at around 1am and wakes up at around 10am..  well, yesterday night, di talaga ako dinalaw ng antok, as in..  2am na ko dinalaw, sa takot kong di magising sa tamang oras, inalarm ko ng mas maaga yung phone ko.. then nakatulog na ako...  tapos bigla akong nagising, pinilit ko matulog..  ayaw, 3am yun..  nakatulog ulit ako, at naunahan o ang alarm clock ko, tsk3..  and this time, di na talaga ako nakatulog.. hoi, di naman yun dahil sa excitement, ayaw ko pa nga pumasok e..  so it's our first day of summer class,..  hmm,.. i prepared for the day..  dapat ang klase namin sa first subject, 8am.. hintay kami,.. dumating ang 10am, tsaka namin nalaman na sa ibang building pala ang klase namin..  kainis!  so pumunta kami sa CSSP.. at ang room na napili, madumi + mainit = sakit sa ulo!  idagdag mo pa ang instr.namin na siyang pumutol sa hairline na haba ng pasensya namin..  simple lang siya.. mukhang bata pa..  pero, WRONG GRAMMAR + DI MAINTINDIHANG LESSON.. aba, buti buhay pa siya.. hahahahahh.. wala akong matinong tulog kaya pigil na pigil yung inis ko, di pa ako makapag side comment dahil nageecho sa room yung boses namin.. hmm, kainis!  ito ang ilan sa kanyang mga utak-palakang-salita.. :)


 >the economic here in the philippines is WORSER than the others..(worser? bakit, may worsest??!!!)
 >every POINTS counts.. (wow, kulang na lang pati yung every may S!!)
 >hospitals LACKS equipments.. (oh! bongga, walang hilig sa S!!)
 >only few people have SO MANY houses..  (pls.elaborate.. so na many pa.. manawa ka!)
 >what will be the good SCUSE..  (ha??!! baka excuse.. hmm!!)
 >i will not marry ONLY ONCE but MANY TIMES..  (oha!! kayo na umintindi..)




then, bigla siyang nagtawag at nagtanong..


    "are there any questions?"


gusto sana namin itanong.. "di pa po ba pwede lumabas?" or "ahm, wala po talaga kaming naintindihan eh, pwede po paulit?"



and he finally quote.. "Bobo ba ako kung ikaw lang laman ng utak ko?"   


   kayo na humusga..  ilan lang iyan, tinamad na akong ilagay yung iba, bigyan naman siya kahit kaunting kahihiyan..  hmm..  kung ito ba naman yung papasukan mo early monday morning..  hahahah..  (tawa na lang..)  well, nakahanap ako ng katapat..  hahahah.. :)  


  buti na lang wala yung instr.namin sa next class, dahil malamang sasabog na yung utak ko..(meron ba?)


-----> well.. lahat ng bagay, may pambawi!!  c epistaxis.. grabe, ang cute wearing his plain white shirt and jeans..astig!  hahahah..  and i bought preview magazine with Toni Gonzaga as its cover..  WOW!!  :) <-----




 and if you'll ask me, how's my first day of summer class?  kayo na bahala mag-isip.. :)

Wednesday, April 20, 2011

..04/20/11.. i am!

sa tagal ng paghahanap ko, matapos ang pagsisikap.  natagpuan ko na ang Toniliciousz..  wow!  it's a dream come true.. i am so happy as in..  kahit na madami sila at sabay-sabay kung magtext.. nice! i will surely love this group..  :)   hanggang ngayon, hindi pa ron nagsisink-in sa akin na I'M A CERTIFIED ONE!!   :D




credits to the owner

I SUPER LOVE TONI G.!!!   :D

Tuesday, April 19, 2011

..04/20/11.. eksenang upuan.. :p

  i have this favorite chair in the house, hahahah..  mas matanda pa siya sa akin..  i can do all i want with it..  i can sleep, magrelax, magmuni-muni.. magenjoy, i manage to carry it around the house kahit may kabigatan ito..  hahahah..  kapag gumigising ako sa umaga, i tend to sit there, tulala, magmuni-muni for about 30 mins. to an hour..  :)  kulet..  and i took several pictures with it.. hahahah..  arti ko.. :p   he is my comfort seat..  :)


the chair..  :)

arti ni aleng..

oh..isa pa..

hihihih,..

anu ka iniicp ko nean?? hmm..

oohh..  kukunin ko na siya, uupo ulit ako..habang nanunuod ng tv..  :)   out na me..  ^^ 

..04/20/11.. wat em ay duwing?

  hahahah..  feel ko lang ipost..  :)     syempre nagtatype ako, while doing it, i enjoyed this..  :)


peanuts!

  kumakain ng peanuts sa harap ng laptop..  hahahah...  :)   gusto mo?   hmm,, nabitin lang naman ako dyan..  hahah.. ^^

..04/20/11.. ilang araw na lang..

tagal ko na din palang hindi nagpopost sa blog ko..  :)   well, hello holy week..  ito ang panahon na dapat tayong magtika sa ating mga kasalanan at panahon para magbalik-loob sa ating Panginoon..  :D   


and, ito ang last week ng bakasyon namin.. sa pagdaloy ng oras, at araw di ko napansin na malapit na kami magsummer class..  grabe ha! ilang araw lang ang pahinga? how would you deal with it kung ikaw ang nasa katayuan ko? hmm..  mahirap, ngayon ko pa lang nararamdaman yung sarap ng pahinga..  kapos!  lalo akong nanlumo nung nakita ko na yung COR (certificate of registration), id at class cards ko..  hmm..


id qu.. ^^

my class cards..  :)

   hmm, maliban sa inis dahil may pasok na.. :p    may tuwa naman akong nadarama kasi makikita ko na yung mga kaibigan ko..  hahahah..  i miss them all...  mwah..  :*  grabe, sa monday na pasok namin..  ang dasal ko lang sana makita ko agad si epistaxis ko..  tsaka sana magkasya yung uniform ko..  :p  i think i gain weight..  :) 

Sunday, April 10, 2011

..04/10/11.. teacher

since i was a kid, dream ko na maging isang huwarang guro..  i imagined myself inculcating young generation without anything in return..  well, my parents told me to pursue nursing for it will give me a brighter future.. and so did i..  here i am, trying to prove everyone that i'm flexible, putting me into any angle or aspect of life..  state it, and i can do it..  i want to be a person like that.. kahit takot akong humarap sa maraming tao, i'll try to conquer that fear...  mataas yung tingin ko sa mga teacher..  kasi, without them, no one will be educated enough for their profession..  and if i become one, i'll be the most proud person in the planet..  i'll teach until my last breath.. i strongly hold to a quote..


"teaching is a life-long profession.."




i salute and LOVE all the teachers in the world..  God bless you all and never quit..  because..   


"winners never quit.. and quitters never win.."

Saturday, April 9, 2011

..04/10/11.. consistent!

so far, 5 classcards pa lang nakukuha ko,. at nung pinakita ko sa dad ko yung cards..  he said..




"aba anak!   consistent ka, sa dos (2.0) lang naglalaro yung grades mo ahh.!"




with his most sarcastic look..    i think..  he'll never be satisfied, unless i reach his standards..   :(

..04/10/11.. panaginip

last friday night(4/8/11).. i slept early, around 9-10pm.. kasi napagod ako sa gala naming magkakaibigan sa SM Pampanga.. tsaka, kulang talaga ako sa tulog nun..  mabilis naman akong nakapasok sa dreamland.. 

    nakita ko, may celebration..parang despedida party.. so nakiparty na lang din ako.. :)   hahahah..  tapos, si may guy na nagpapaalam na..  hmm.., lumapit din sa akin and bid his farewell..  naaninag ko yung mukha.. si EPISTAXIS..  nakuh..  nagulat talaga ako,,  as he said his goodbye, he tickled me.. surprised ako..  so i tickled him back..  hanggang sa we found ourselves running around the place just to tickle each other, dumating sa point na binuhat nya ako para di makalayo.. tapos kiniliti nya ko, yung tawa nya, endless..  tapos napagod kami kakatawa, kakatakbo, we stopped and he left, leaving a letter..  tapos BOOM!   nagising na ako..   hanggang ngayon, hinihintay ko na bumisita ulit siya sa dream ko at sana mabasa ko yung letter, anu kaya laman nun??  hmmm..   :)

..04/10/11.. pigil..

normal na sa pamilya namin yung may conference kapag nagkasabay-sabay sa pagkain..  nandun yung tuksuhan, asaran, sermon, payo.. lahat nagiging open sa mga bagay-bagay..  once, nagkaroon nga kami ng conference, it's a serious talk sa harap ng pagkain... ako, nakayuko..  a pause came up..  about 5 secs. yun.. tapos biglang umahol yung aso, ang lakas! nagulat kaming lahat.. syempre, seryoso yung usapan, wag ka tatawa, mapapagalitan ka.. so natigil ako sa pagkain para lang pigilan yung tawa ko..  ^^

Thursday, April 7, 2011

..04/07/11.. pagbabago

base sa mga kweno at sinasabi nila, marami daw tao ang nagbabago kapag umalis ng pinas.. sa ugali, pananamit,pananalita, asta, kilos..  minsan nga lahat.. 


natatakot ako ngayon, baka bigla akong magbago ng di ko namamalayan, sana pagbalik ko dito, ganon pa din ako.. improving for the better or best for everyone.. well, baka matagalan pa naman yung alis ko..  :p

..04/07/11.. ideal man..

everyone has their own likes and dislikes, has their own taste..  and as a teenager i have my own one.. 


sa guys.. actually,i don't expect anything..(sa panahon ngayon, wag nang choosy!  hahahahah, JOKE!).. all i want is a guy na may takot sa Diyos..  yun lang..  why?  kasi, para sa akin, kung may fear of God siya, yung mga bagay na gagawin niya, iisipin nya muna ng maraming beses bago gawin.. mas malamang na less ang mistakes na magawa.. malamang na mabait, mapagmahal, matulungin, honest and a lot more of those positive traits.. kung siya man ay good-looking, mayaman, matangkad and other pleasing features of the human body...  well, bonus na lang siguro yun..  heheheheh..  after all, di ko pa naman siya need ngayon, i'm more focused on my studies and future..  :)

..04/07/11.. epistaxis.. ^^

it's been a while since makita ko siya sa pasilyo ng nursing, lagi ko siyang hinahanap..(stalker??tsk3..)..hmm.. nairita na nga ata sa akin yung co-instructor nya kakatanung ko kung nasan siya..heheheh.. ang naisip ko na lang, magkikita din kami, someday..  and that day is today!!  :)


as i walk in the corridor of nursing building, at the most unexpected time and date, i saw him.. well, that actually started nung magpapasa dapat kami ng thesis sa filipino,.. malabo ang mata ko, nakita ko yung guy na tumatakbo, may hawak na susi.. i looked closer, surprised..  SIYA NGA..  malayo pa lang nakangiti na siya, wearing the most ordinary and simple look- white poloshirt, trousers and a pair of slippers.. naman, even wearing that, he looks nice and cute (awwww..).. pagdaan sa amin, nakatingin kami, saying.. "good afternoon po.." ayun nanaman yung pamatay niyang "hello,hello.. :)"  oh c'mon!!  nasa langit na ba ako??  naman..   sana makita namin siya ULIT..  ^^       demanding ba??   sige..  SANA LAGI..  hahahahah.. :)

Tuesday, April 5, 2011

..04/05/11.. oras

bakit kaya ganun?  kapag labis kang nagsasaya, bumibilis ang daloy ng oras, kapag malungkot or bored ka, napakabagal nito..  bakit nga kaya?   hmm..

nung umalis yung mom ko papuntang Canada to work and later on file papers for petition last February 7, 2009, sobra akong nalungkot nun..  i'm closer to my mom than to my dad.. ewan ko ba, may thread-like attachment kami ng mom ko, as in di mo kami mapaghihiwalay, well, iba talaga ang batang laki sa mom kaysa sa dad..  she said, Anak, 2 years lang yun..mabilis lang yun..magugulat ka na lang one day paggising mo, nakalipas na yung 2 years, just stay strong..  so i patiently wait for freaking two years.. at first, sobrang di ako makamove-on.. so sad! almost every night umiiyak ako, praying that when i wake up, sana nakalipas na yung 2 years.. well, i think i survived na..

now, as we arrange our papers for petition, ngayon lang nagsisink-in sa akin na, malapit na akong umalis, for the past 2 years, i actually planned kung anu yung gagawin ko as i fly there, ano ba yung goals ko.. ayos na.. :)   pero as i look back sa mga taong nakasama ko, parang..  ito ba? ito ba yung mga taong iiwan ko? ..when i really don't know what will happen as i get there.. yung pakiramdam, parang sad, na happy, na excited, and nervous..  UNEXPLAINABLE.. sana i have this one intimate moment with myself clarifying all this things that bother me.. so far, all i can say is,...


i'll cross the bridge when i get there..   wish me luck..  :]

CONFUSED

Saturday, April 2, 2011

..04/2/11.. hot pics this summer.. :p

mga picture namin sa paradise resort..  :)   ngayon lang naupload e..  :D


pagdating sa cottage..KAIN!
after minutes of swimming?? KAIN!
swim.swim!!

kumpleto kami..  at MAS MASAYA!

yung cave sa wave pool!  :p
pauwe!

nice!
oh!  solo muna!  :D

kumpleto ulit!  unforgettable,, saya!  SUPER!!



super saya..  mauulit ito, pramis..  

>sana mas mahaba pa yung bakasyon.. di ko mafeel e..<

Friday, April 1, 2011

..04/1/11.. abril na...

well.. it's april 2011.. ahhh!!  ang bilis ng oras.. simulan na ang kwentuhan..


april fools' day kung tawagin.. paano namin pinagdiwang iyon?hmm.. ang Mit PRAT..,nagschedule ng swimming that day sa paradise resort (malolos, bulacan), kahit lima lang kami, super enjoy and worth ang stay namin doon..  umaga pa lang swimming na! aba..ang tibay at hanggang hapon di tumigil sa paglangoy,pagslide at pagtalon sa pool..hilig din namin na time after time, babalik sa cottage at kakain..hahahah.. may isa din kaming super hilig.. ang MATULOG.. well, naiwasan namin iyon, mas pinili namin na magtuon sa paglangoy at magsulit ng bayad kaysa matulog na lang sa cottage.. grabe.. akala ko, dun na ako mamamatay..(sarcastic look!)




WANG.WANG.WANG.WWAAAANNNGGGGG!!!!!!  
  oo, iyan yung go signal na ang wave pool ay magbubukas na.. syempre ang dagsa ng tao papunta sa w.pool, takbo dito, takbo doon.. well, kahit kami, nakikipagunahan.. :)  unang salang? WOW! heavy!!   heheheheh.. nakakaaning.. ang taas kasi nung wave,, kung di ka tatalon, obviously, lunod ka.. sa gilid ng pool, may cave-like structure na elevated and approximately 3m. by 7ft. ang size, may lalim na 5 inches.. so, kasya kaming 5..  we stayed there..until the freaking wave caught us..  yung 2 sa friends ko, nakaalis kaagad..  sumunod yung 2..  then, natira lang ako doon..  hinahampas ako ng alon.. well, di ako makatayo, sa sobrang lakas, tinatangay ako, kumakaskas yung 'gluteus maximus' at ang buong lower limb ko..paano naman ako tatalon kung nakaupo ako.. so, lunod.. may times.. i tried to grasp some air kapag bumababa yung alon..and that's the only thing i can do.. akala siguro ng friends ko nagloloko lang ako, sa gilid, tawa lang sila ng tawa.. i tried my hardest to stand up, pero kainis talaga yung waves, parang pinaglalaruan ako.. buti na lang may katapusan ang lahat ng bagay, kung hindi, malamang hanggang ngayon, baliw pa rin akong umiikot doon.. as the waves stopped, i stood up.. tawa pa rin sila, saying..


"alam mo, kung napanuod mo yung nangyayari sayo, tatawa ka na lang din ng tatawa..hahahahah.."


doon ko narealize na nakakatawa nga, kaysa mainis ako, i just laughed at my hardest.. as in, kumakaskas daw ako, gumugulong, humahampas, tumataas yung paa,.  well, so far, i can still remember some of it happened to me.. di ko sineryoso ang mga pangyayari.. ilang beses kami bumalik sa w.pool na iyon, pero di na ulit sa cave (may ibang tao na kasi..), ending?? as i got home, mahapdi yung pwet and lower limb ko.. as i looked at it.. wow, amazing!  may gasgas sa ilang parte nito.. nice one.. ang sakit din ng buong katawan ko.. akala ko talaga mamamatay na ako doon.. sagwa naman mababalita..


"isang minor de edad sa 5 INCHES na lalim ng tubig sa pool, patay sa lunod!.. "


wew.. second life??  :p


hahahahah, sana maulit ulit!  :D   (yung bonding wah!!)