Thursday, March 31, 2011

..03/31/11..

siguro nga..  it's time for me to move on..


--


soap is for our body..  while tears are for our soul..


--


you don't even know how to appreciate..you don't deserve one..


--


i sacrificed enough..i stooped down to your immature level, and yet you really didn't noticed it..


--


such a naughty act to avoid someone..stupidity..


--


don't try to please everyone..cause you really can't..


--


never underestimate me..you don't know me personally,,


--


try to enhance your hypocrisy..it doesn't take an effect anymore..


--


don't expect life to be fair.. look at yourself in a mirror,
 do you think you're fair??


--


don't feel sad whenever He takes something from you, 
He's just emptying your hands for you to receive more..


--


don't be afraid if trouble heads your way..
He is just turning off the lights first before throwing a surprise..

Wednesday, March 30, 2011

..03/30/11.. hmm..

umaga pa lang, di na ganun kaganda yung pakiramdam ko..  well, until the end of the day.. kahit may ngiti sa aking mga labi, hindi pa rin talaga maikakaila na may lungkot sa puso ko..  


nagpuyat ako kagabi para matapos yung pagdidisenyo ng scrapbook na ibibigay namin kay mama I., CI namin.. tatlong oras lang yung tulog ko..  go lang..  


pagpasok ko ng school, nothing special..  parang boring din.. (excluding the surprise for chen..) .. sad talaga ako, bumigat pa yung feeling dahil sa puyat..  siguro nga dahil alam ko sa bawat segundo, minuto, at oras na lumilipas alam ko na nababawasan yung panahon na makikita, mararamdaman at makakasama ko yung mga taong aalis na..  lubha talagang nakakalungkot..  kasi pagkatapos ng linggong ito..  wala na..  tanging tanong lang na sumasagi sa akin..  




"kailan kaya ulit tayo magkikita-kita??"


lalo akong nalungkot pero may halong kaunting saya.. nung makita ko sila..  giving them the gifts we actually worked hard for.. 










nakakapanglumo talaga..   :'((




soap is for body ; tears is for soul

Saturday, March 26, 2011

..03/27/11.. dance till we drop!!

ilan sa mga kanta sa grad.ball!!  :)
 >>city of gods<<

>>2012<<



>>Jai Ho<<

..hahahahah...  bitin yung party, kung wala lang talagan finals kinabukasan, nakuh,,  doon talaga kami matutulog.. :)   i love my rotc friends..  :p

..03/27/11.. hmm.. :)

last month ko pa nalaman na birthday ni epistaxis kahapon, inabala ko talaga si sir presas, binulabog ko, malaman ko lang birthday niya.. hahahah,, well, success naman..  nung nalaman ko yung birthday niya, pressure sa akin na mag-isip ng gift na ibibigay..  hmmm.. mas mahirap kasi bigyan ng gift ang guys kaysa girls...  hmm,, anu nga ba ibibigay ko, dumayo ako ng robinson para mamili..  with my friends..  the spotted a thing na cute..  hahahah.. ito na lang ibibigay ko..  kaya lang di ko alam yun size nya..  naku.naku..  bahala na, pinapanalangin ko na lang na kasya sa kanya yun..  heheheheh..  


march 25.. galing ako sa party.party sa rotc.. grad ball..  pagod, pero binalot ko pa din yung gift..  hmm,, sana makita ko siya kinabukasan...  i slept..


march 26, happy birthday!!  tinext ko siya, nagreply naman...  :)   then pumasok na ako sa school for finals,, expecting na nandoon din siya..  nakoh..  unexpectedly, WALA.. nalungkot lang yung gift ko..  hmm..  hanggang ngayon, nasa school bag ko pa yung gift..  babalutin ko na lang ulit, nalukot na ung wrapper e..  :)  binati ko siya sa facebook.. oki, nagthank you siya.. well, sana naman po makita ko na siya next week..  hmm.. happy birthday sir kyoot!  :D     Gb!!  :)))

Thursday, March 24, 2011

..03/24/11.. sayang..

bakit ginawa ang blog?  hindi ba't para ilabas mo ang mga nais isigaw ng puso mo habang nakatikom ang bibig mo?  and that's why i'm posting this..  :)  
wag mainis kung mahaba..  :p






[warning: this is a serious talk..]


this past few days, actually weeks na ata..  i often hear rumors about the college and its instructors.. na marami daw aalis, kesho tinanggal daw o nag-resign.. i still can't understand why, when, where, how.. WHAT??   i'm that surprised with the most sarcastic look on my face.. as in gulat na gulat..  i first heard it around a month or two ago.. from a reliable source..di pa pumuputok ang balita nun sa buong college.. my informant told me to keep quiet about it.. request granted, coz i never expected that it would really happen..  hanggang sa nagulantang na lang ako as i peek at their profile and the wall posts seeing.. "i'll miss the school"..  "you're leaving??"..  "please don't"..  and many more heart-warming quotes..  i have this feeling of embarrassment, kasi hindi talaga sumagi sa isip ko na aalis ang mga taong lubos na nakaimpluwensya sa akin.. SAYANG..  coz i want to learn from them more, sa gawi nila, sa turo nila, sa experiences nila.. yung tipong MMK.. kasi true-to-life talaga.. gusto ko pa sila makilala...   :'(




   si Sir Pacis, iyan..  isa siyang malaking ilaw sa amin.. he gives light sa mga taong naligaw..  sabihin na nating marami siyang kalokohan na alam, pero dun siya at kami natututo as he tell his story.. sabi nga nila..  "you'll never learn if you will not try something new"..  extraordinary yung talent niya na mang-approach ng tao..  the way he throw his jokes, laging may right timing.. napakagaling na lecturer..  i still remember the first lecture day..  nakalagay sa COR namin na si ma'am Izon, sa N1..  so we waited for the time.. may nakita kaming guy na sumilip sa room, once, then twice..  tapos nagtanong..  "B?"..   "opo"..  pumasok siya..  stated his name, his requirements, assignments, do's and dont's nya..  nagulat kami nang after a week biglang nag-iba yung instructor.. ..  another thing, sa Skills 5.. we have our groups na, CI wala pa..  i belong to the 4th group..  sharing ng Johari's window and reflection... that time, takot pa kami kay ma'am Izon, so we wished for Mr.Pacis.. bigla siyang dumating and asked kung kanino siya, our group anwered.. "Sir!  sa amin po kayu, dito.. (take note: ang chair, prepared na..)"..  dumating si ma'am Izon, saying.. "J, akin yan, dun ka sa kabila.." nangiti na lang si sir..  and frankly, i miss that,,.. there are moments na may nangyari, but i won't tell it here na..  last na!!   nung bago mag-Christmas vacation, retdem day yun...  if my memory serves me right, December 15,2010 yun..  i gave him a paper bag of chocolates which gave me too much happiness with no apparent reason..wew..  so much memories... wanna have more.. :)




   si Ma'am Izon, ayan...  ang CI ng grupo namin,, mahal na mahal namin siya..  SOBRA!!   akala namin lahat, mataray, masungit..  well, baligtad pala..  jolly siya, napakabait at palabiro..  parang no dull moment with her..  puno siya ng experiences na madalas niyang ishare sa amin.. ang pinakatumatak sa akin, yung sharing and reflection, she showed us her talent...  so nakakaaliw.. hahahah..  the way she played with her tongue..  habang sumasabay yung kaklase kong beki..  :)  yung bawat retdem namin na puno ng kaligayahan..  magaling siya talaga magturo..  at ang pinakaimportante, kung ano ang deserve mo, siyang ibibigay niya sa iyo..  yesterday, we gave her a gift, pinag-ipunan namin yun..  we really love her..  SO MUCH!!  :)




   itong taong ito, di ko pa siya nakakasama,pero nakikita ko siya.. and i don't know anything about her.. parang what i see is what i get..  ganun.. si Ma'am Contreras, gusto ko siyang maging CI.. why?  ahmm, actually, iniisip ko din yun...  hmm..  kasi base sa mga naririnig ko, nakikita at nababalitaan, she's a great professor..  and i don't wanna miss a thing.. some says she's incredible..  i want proof!  






   ang masasabi ko lang sa kanilang tatlo..


  "bakit po ngayon pa? hindi naman po sa pagiging selfish.. pero, the college needs you!  :)"




>>>buhos ng saloobin<<<

Wednesday, March 23, 2011

..03/23/11.. wataday!!! :D

may mga araw na sobrang 'djampak' yung araw, tipong di mo aakalain na sa loob ng halos 12 oras lang mangyayari ang lahat ng ka-'eklabuhan' sa buhay...   same as today..   kahit hanggang ngayong iniisip ko, natatawa na lang ako..


the day started normally, pumasok ako ng maaga for RLE class.. ganda ng morning ko, ang gwafu nya!! (alam na!..oo siya nga!)


what's new?  may dala akong paperbag na medyo malaki..  :)    and that's for our beloved CI, si mamy P ...  :)    kasi she's leaving for Canada,, (well, i'll follow her there..)   sobra nyang bait, mahal na mahal namin siya..  sobra sobra!!    if i were to choose the most effective professor..  she'd be my first pick... totoo siya, napakahusay magturo, maunawain, kapag hindi mo naintindihan, she's just there, approachable siya..prangka (in the best way), at ang pinakagusto ko sa kanya, she never tolerate bad deeds..  kung mali ka, suffer the consequences.. deserve mo whatever grade she will give you (and that's for sure)..  too bad hindi nabigyan ng chance yung next batch na makilala siya..


naglecture si sir presas about ncp..  kinda mahirap, pero sabi nga nila, NO CHOICE.. then, after that, we started to get a little busy...  pero before that binigay na namin yung gift..  it's a bag.. namulubi kami..  choos!   it's worth it!  natuwa kami ng bonggang bongga sa reaction ni mamy P..  hahahahah..  super thankful sya, pero parang feeling ko, it's not enough?  heheheheh.. arti ko!   XD      then, piktyur-piktyur na!   (sana lang iupload ni mam..)  after non, she asked for our help sa recording ng scores..tallying or IR's at pag-aayos ng mga papeles..  bonding time na din namin yun..  so happy!!  :)


then, may requirement kami na kumuha ng tig-10 na client per person, taking their vital signs..   well, literally.. nakakaloka siya!   sobra!


nakasabay ko pa sa jeep yung high school teacher ko na barkada na turing ko..  hahahahah...  tapos, 1 hour ako nakatayong naghintay sa daddy ko na sunduin ako...  wew!!   napaka-patient ko talaga!   charot!    XD 


ang talagang bumuo ng araw ko ay siya syempre, si epistaxis..malaki ang pagbabago... bongga ang tawa, masigla kahit papano..  masaya ako, kasi matagal ko din siya nakita..  nyahahahahhahah.. (arti ko!)   mas maganda na ito kaysa sa mga nakaraang panahon..  [a piece of advice: release stress with TRUST-WORTHY friends only..goodluck to whatever future we'll face..i'll always pray for you..  God bless us..]




now, as i look back to what happened..  wew!   LIFE-THREATENING!!   nyahahahahaahahah...






nararamdaman ko na..  ang buhay   NURSING STUDENT...  :D   


>>di pa pala tapos yung thesis namin, rejected e..  tapos sa friday..graduation & ball namin sa rotc, sa sat.finals sa ncm, sa monday, finals sa biochem...uhemdyi!!<<

Monday, March 21, 2011

..03/21/11.. thesis..

kanina, habang nakasakay kami pauwi ng mga kaibigan ko, inaalala naming tatlo yung pag-aayos sa thesis namin, nagsimulang mapuno yung jeep na sinasakyan namin, isa-isa silang pumasok..  kapansin-pansin na marami silang dala, normal na din sa loob ng jeep na maingay, daldalan, pero, halatang lahat ay abala... sa iisang bagay..  THESIS!!  narinig namin sa bawat isa ang kaabalahan nila sa thesis, pinuproblema ang pagkain ng panel, ang projector, ang oras, ang pagkumpleto ng thesis, at marami pang iba..  nangingiti na lamang ako sa mga salitang tinutugon nila..  ngunit isang tanong lamang ang naisip ko noon...






bakit nga ba kailangang gumawa ng mga estudyante ng thesis??

..03/21/11.. sya pa rin..

nakakagulat man, pero hindi ko rin alam kung bakit lagi ko na lang nasasagap ang ilan sa mga balita tungkol sa kanya, bigla na lang lalabas yung balita sa harap ko kahit hindi ko siya hinahagilap...tulad kanina..


nasa klase kami, nakangiti lang ako, tulala,..bigla akong kinausap ng kaibigan ko, "bakit ka nanaman nakangiti?"  teka, bakit nga ba?   hahahahah..  naisip ko siya bigla.. "ahh, kasi nakamove-on na ko..hahahahah"  teka..bakit nakamove-on? e may something ba?   aning lang talaga ako.. :p   bigla na lang kinuwento ng kaibigan ko na nakita niya si epistaxis nung biyernes, habang kasalukuyan akong natutulog sa bench sa tapat ng nutri room.. 


"ahh, naglalakad siya palabas nung skills lab., nakatungo, umiiyak ata.. tapos tumapik ng estudyante, may sinabi..tapos mabilis na lumakad pababa ng hagdan, naramdaman ko yung malungkot at mabigat na aura, nalulungkot din ako, tapos narinig ko, pinag-uusapan siya, aalis na daw, sayang naman, gusto ko pa siya dito..  :("  --tugon niya..


napawi yung ngiti at aning ko nung marinig ko iyon, labis akong nalungkot..  sayang naman...


--base sa paniniwala ko at natutunan ko dito na, may mga taong sadyang sakim..para silang mga alimango, kung sino pa ang nakakaangat, ang siya nilang hihilahin pababa.. nakakalungkot, nakakaawa ang susunod na henerasyon, hindi na nila mararanasan o makikita ang liwanag na mayroon sa madilim na pasilyo ng karunungan..  :'(   










bakit nga kaya sila aalis?  hindi ko talaga maunawaan..  :'((((

Saturday, March 19, 2011

Friday, March 18, 2011

..03/18/11.. kowts..

a dream is a wish your heart makes..


--


i tried to forget you, but i guess i forgot to..  


--


i'm not bitter, i'm better..


--


hindi ka kawalan, there are many fishes in the sea..


--


it's your loss, not mine..


--


today is a gift, that's why it is called 'present'..


--


never trust a person completely, because even decades of friendship can be ruined in just a snap..










****ang BUHAY, hindi na maLIGAYA kapag wala ka, paano pa siSIMULAn aNG naWAKASan na?****

..03/18/11.. eto xa..

mga panauhin..  siya si epistaxis...  halata na kung sino siya.., minsan na siyang nakabisita dito, at kung makikita man niya to..  ito lang ang nais kong sabihin..


"hello po.. salamat po sa inspirasyon, at sorry po kung ito pa lang ang kaya ko.."






:)

Wednesday, March 16, 2011

..03/16/11.. next?

sa susunod, ipapakita ko sa inyo ang litrato ni epistaxis, ipopost ko dito..  si epistaxis yung taong naginspire sa akin na gumawa ng blog, ang isa sa mga pinakamahusay magturo sa aming unibersidad..  pinaka astig at cute..  hahahahah..  wait nyu na lang..  :D      >i'm using a codename for our privacy..<      see yah NEXT post.. :)

..03/16/11.. katuparan..?

sa wishlist na pinost ko dito, well let's look kung alin sa mga sumusunod ang natupad..  :)


   ...una, syempre!!  wew!!  binati nya ko..  hahahahahah!!   i'll never forget it!!  :D
   ...2nd, chocolates?   wooot!   nakatnggap aku,..  thanks pau ..  ILY!!  :*
   ...3rd, ai grabe yung surprise.. heheheheheh.. alam kong gagawin nila yun, pero least expected yung time.. thanks by the way..  :)
   ...4th, well, prang matutupad yun in just one snap..  :p
   ...5th, naks!  pwede na..  nakanuod naman kami ng sine e..  :p  
   ...6th, prang ito yung mali sa tinayp ko, prang IMPOSIBLE to?!
   ...7th, gift from least expected person?  hmmm...
   ...8th, w3w... isa pang imposible..   :p
   ...9th, world peace?  e nagka-tsunami nga sa Japan e,,  peace??  sana..  
   ...10th, book?  wala pa!,  okie lang,..
   ...11th, text?  hahahah, nagpalit ako ng number e, i didn't gave it to him.. hahahahah..
   ...12th, naman!!  nakagala kami noh, kami nga nagbukas ng waltermart e.. 
   ...13th, special to!  favorite number ko kasi..  well..  i got the perfume!!  nyahahahahah,.. a gift for myself...
   ...14th, d ako nakabisita sa marcelo..  :'(
   ...15th, ASA!!!!
   ...16th, tumaas ba???
   ...17th..  anu wish mo sakin??  :)


my wishlist :)




...yung mga wishes na hindi natupad, i'll try to make it all possible..  and please help me..  :)  
   thanks for being a part of my birthday..  :D

..03/16/11.. my day??

you made my day..  :)   yung number 1 sa wishlist ko, natupad kahit late na..  :)   masaya pa rin ako..  :p


                   "batiin ako ng mga ineexpect kong bumati, especially si epistaxis,,."


wahahahahah,, natupad kanina..  :)


   kakatapos lang ng quiz namin kanina, they gave us a 30-min. break, pinalabas kami, tumambay sa favorite spot, tabi ng nutri room,..  :)   nakaw ng tulog..heheheheh.. 
   on the least expected moment, dumaan siya, then greeted me, 


                      "ui, belated happy birthday..  :)"


   i got so speechless, nabulong ko lang ang mga katagang..


                       "ai, thank you po.. :)"


    yung kilig, gumapang mula paa hanggang ulo, bigla akong nanlambot,,  "ano yun?"   after 5 minutes, doon ko lang narealize..  yung feeling ng kilig..  hahahahah,,  late reaction??  hahahahah..  
    magreretdem na kami, kabado ako syempre, pero inspired na.. :)    nyahahahah..  bigla akong tinawag ng barkada ko, may ipapakita daw.. so takbo ako papunta sa kanya..  ipinakita sa akin yung phone nya, naka-online sa facebook..  nakita ko yung wall ko.. may nakapost..  naka-address sa name nya..  lalo akong kinabahan..   kaya habang ginagawa ko ang retdem, nanginginig ako, hindi lamang dahil sa lamig nung kwarto, kundi kinakabahan ako sa nakapost...
      nagmadali na akong umuwi after mag log-out.. para tignan ng malinaw ang post..  i ended up seeing this..  :)








sagot naman ako..  :)  hahahahahah...


   epistaxis,..  maraming maraming maraming salamat po sa pagbati lalo na po sa paginspire sa akin..  :)     i'm sorry for giving you a codename, i'm just trying to protect our privacy..  (ha? anu daw?  XD)    




salamat salamat..  :)

Monday, March 14, 2011

..03/14/11.. meiday!!

.     happy birthday to you,
      happy birthday to you.. 
           happy birthday,
          happy birthday..  
      happy birthday to you..


.ayan na!!  birthday ko na..  hahahahah...  17th birthday ko..  bongga tumanda nanaman ako ng isang taon..  :)  masaya ang araw, sobra.. pero syempre, di naman lahat ng bagay perpekto..


umaga, long test sa biochem...  okie lang..  tapos nood ng sine sa waltermart(plaridel)  cinema 1.. red riding hood , ang ganda nya grabe..  nag-enjoy ako lalo kasi kasama ko ang mga kaibigan ko..  pagbalik sa school namin, grabe, nasurprise ako sa inigay nila..  pumasok kami sa isang room, thinking na doon sila tumatambay.. pagpasok ko, kantahan sila..  awww, katouch...  may cake dun na goldilocks,black forest ang flavor,. waaahhh!! nagulat talaga ako super, ang pics next time na lang, di pa naguupload si pau e...  :)    simula nung moment na yun, dumami na yung bumati sa akin..  nakakatuwa, kasi eksakto..nagtaping ang Eat Bulaga sa school namin, nameet ko in person sina Diana Meneses at Julia Clarete ..  wow! superb.. ang cute, ang bait at super kwela sila..no dull moment..  the day ended na yung 2 tao na gustong-gusto kong makasama at mabati ako that day, WALA.. sad ako, pero i don't want to ruin all their effort dahil lang dun sa 2.. maybe may mas magandang mangyayari sa akin or sa kanya or sa amin..  di ba?  so..  HAPPY BIRTHDAY na lang sa lahat ng may birthday, including ME!!  :)  hahahahah..

Friday, March 11, 2011

..03/12/11.. w3w..

..boring gumawa ng thesis.. lalo na kung first year college student ka na, tapos 3 days mo lang gagawin.. ipapasa, tapos maghihintay ka ng 2 araw.. defense na...  so, ano ba laban dito, pagalingan o papangitan ng gawa?   nakakainis...

Thursday, March 10, 2011

..03/10/11..

    ...                                         ....                                              ....




..                       ......                                       ..


   wala nanaman akong magawa..share na lang akoo..




         sa tuwinang haharap at pipindutin ko ang keyboard ng laptop ko, lalo na sa pagpopost ko sa blog na ito, para akong nagtatransport.. lagi ko siyang naaalala, OO siya nga, yung kaisa-isahang tao na nakainspire sa akin na magblog.. i call him epistaxis.. bakit? kasi iyan ang naeexperience ko kapag nakikita ko siya lalo na kapag nambabati..  teka...bakit ko siya naaalala?  ewan ko, wala naman akong gusto sa kanya, sadya lang na ang cute niya, di nakakasawang tignan..makulit siya, di nakakasawa kasama, masaya siya, di mo tatanggihan sa lahat ng bagay, kaso lang para siyang star...  ang hirap abutin, kahit anu pang klase ng talon ang gawin mo, hinding hindi mo siya maaabot..  well, feeling ko lang naman iyon..  natutuwa at natatawa ako kapag nagtuturo siya, puno siya ng sense of humor, matalinong tao.. so, what more could you ask for?


       this is a perfect song for him...  :p




In a perfect world
I could be someone
I could be your sun
And I will shine
In every step that you take

In a perfect world
I'll be the stars at night
So I could be your guiding light

[Refrain]
And if you're feeling out of place
I'll be a friendly face

[Chorus]
So fly with me, stay with me
In a perfect world
We'll be as free
In a perfect world

In a perfect world
We can be as free
Be what we want to be
Nothing's gonna break our love apart

In a perfect world
Where magic spells come true
A paradise for me and you

[Repeat Refrain and Chorus]

In a perfect world
There will never be a sad tomorrow
In a perfect world

[Repeat Chorus]

^^,

Wednesday, March 9, 2011

..03/09/11.. bakit??

  masaya ako, tanda mo ba yung blog ko tungkol sa gusto-ko-maging-friend?  yung magaling magpalit-anyo ng bigla?  oo siya yun..  yung gusto kong maramdaman ang presensya...  well, this week, umingay ulit ang pasilyo.. isang hudyat na okay na siya.. may tumatawa na, may "hello" ulit na makalaglag-silya sa kilig..  hahahahah..  masaya na ako..


      pero may mga umiikot na balita sa sulok-sulok ng building namin na isa siya sa mga lilisan.. pero bakit?  magaling naman siya wah..  SUPER, enjoy lahat..  siguro sa 10 tatanungin mo kung magaling siya, malamang 35 ang sumang-ayon.. masipag naman siya, kumpara sa iba.. magiliw, ayos! pero bakit may narinig akong litanya na "may x si d***"  anu ibig sabihin nun? naguguluhan ako..  nakoo.. nakakalungkot naman, sobra..  bihira ang mga katulad niya, INCOMPARABLE nga kung tawagin..  :'((  wag naman sana matuloy yun..  (inspirasyon ko siya..  :D)

..03/09/11.. sadness.. :'(

nakoo...  :((


  i feel super sad ngayon, parang naiiyak ako sa mga nangyayari..  to tell you frankly, wala akong alam sa nagaganap.. magulo pa, mixed information, undetermined sequence..  para kang nag-buffer ng video for a day... loading.loading.loading


   ang buhay college student, magulo na masaya, mahirap na worth it, basta kakaiba.. pero satisfying kapag na-attain mo na yung pinaghirapan mo.. at sa pag-abot ng mithiin,(ang matuto di lamang ng mga siyentipikong bagay, pati na rin ang everyday learning experience kung tawagin nila) marami kang makakasalamuha, makakatulong, makakaagapay, makakaaway at marami pang iba na makakapagbigay ng inspirasyon sa iyo.. kabilang sa mga ito ang iyong mga kaklase, kaibigan, kaaway..  bukod sa kanila, ang mga propesor ang lubha talagang nakakaapekto sa buhay ng mga estudyante, nagsisilbi silang magulang na huhubog sa katauhan mo at unti-unting magpapaalala na.."hoi, tumatanda ka na.."  doon mo lang marerealize na "oo nga.."


   dalawa sa mga propesor ko ang nakintal sa aking balintataw, mula umpisa at pinapangako kong hanggang wakas..  sina Sir Aj Pacis at Ma'am Princess Izon..  sila talaga ang gusto kong maging forever CI?   hahahah... or kahit friend lang na kaya silang tanawin.. hahahah...  :)   di naman sa pagiging greedy or what pero, sana huwag na sila umalis or mag-attempt pa.. (ano daw?)  hahahah...  masaya kasi ang life kapag nandun sila sa school.. lively ang discussion..  sobrang saya..  di ko maexplain..  ewan basta, nothing compares them.. nasa hall of fame sila ng puso ko..  wow!    XD   aalis na din siguro ako kapag wala na silan pareho...  hahahahah,..  greedy talaga..(bad girl.bad girl.)   >:p

Monday, March 7, 2011

..03/07/11.. rose?

AnaPhysio class..  wala akong magawa..  :)   magaling na bata..  :p   nakita ko yung ginawang paper rose ni allysa cubos (classmate ko..) naingget ako, ang kyoot kasi...  nagpaturo ako..  :)  yung mga naunang steps naturo niya, pero yung bandang dulo, self-help na lang, kasi kaharap niya si mam... 




natuon yung isip ko sa rose...  hahahahahh...  :D    successfully, natapos ko..  :)   so, judge it.. :p


bud pa lang..
hahahahahh..
may tangkay na..  :D
tapos na!!  


..tinapon ko siya after paghirapan iyon, kasi nasatisfy na ako..  ahahahahahahah,,,  nabaliw ako..  so, kayo na ang humusga..  :p

..03/07/11.. mcdo meets Mit PRAT..

normal na sa grupo naming Mit PRAT na kumain sa mcdo sa tabi ng school namin..  :)


kanina, 2 hrs. ang vacant, walang magawa, medyu nagugutom, pumunta sa canteen.. pasok pa lang namin sa bungad, ang INET!!!    grabe,, gumagapang yung init sa katawan namin,  nahilo kami kaya napagdesisyunan na sa mcdo na lang kumain, malamig pa..  :)   




wala ako..  :(   mahirap maging cameraman..
isa pa..  :(
hahahahaah...walang magawa..
hayok sa ketchup..  naka 3 hingi ata kami..  :)
...  :p
mcdonald's..  :)






sa susunod ulit..  :D

Sunday, March 6, 2011

..03/06/11.. ang inis..

baguhan pa lamang ako sa pagbblog...   bago ko gawin itong blog ko, ipinangako ko sa sarili ko na iiwasan kong magpost dito ng mga opinyon na magdidiin sa iisang tao tungo sa 'darker side'..  pero, paano kung lubha silang nakakasakit at nakakapinsala sa buhay ng maraming tao...

inis...  oo, inis..  hindi galit, o poot..  inis, iyan ang nararamdaman ko para sa isang tao na minsan ko na ring tinuring na kaibigan, minsan ko nang nahingahan ng problema ko tungkol sa mundo, nakasama ko sa saya at lungkot.. pero bakit nga ba kahit gaano pa ang haba at ganda ng pinagsamahan ng dalawa, ang tiwala ay maaaring mawala in just one snap...  nakakalungkot man isipin, hindi ako, kundi siya ang nagkumbinsi sa akin na maramdaman yung ganito...  mali kasi talaga..  maling mali..

minsan ko nang naging kaututang dila ang batang itago na lang natin sa pangalang JEAN..  :)    mabait naman siya, we're absolutely fine..  one day, inaya niya kami sumali sa paluwagan..  buwanang sweldo..  bale magbabayad ng 30 per day..  may kabigatan, pero okay naman ang sweldo...  kinumbinsi kami..  nagtiwala, sumali kami.. tsaka niya inamin sa amin na kailangan niya ng pera kaya siya nagput-up ng ganon.. "iyan ba ang mga mukhang di magbabayad?" iyan ang sinabi niya, dahil din doon, nabuo yung grupo namin, 7 dwarfs ang ngalan, kasi obviously 7 kami..  at first okay ang paluwagan...  hanggang sa inutang niya yung sweldo nung 1, tapos di na nagbabayad, bigla pang lumipat ng school..  wow,,   ngayon?   nagtatago..   nihide kami sa facebook, nagpalit ng number.. so..  kamusta na kaya siya?


naniniwala ako sa karma, sana lang di ganong kagrabe yun...  :)      hindi kami nag-aaway sa pera, madali lang yon..  di lang talaga makatarungan yung ginawa niya, para kaming walang pinagsamahan..  

alam ko, sooner or later mababasa nya to..   kaya, miss JEAN,  hindi ako ang nagtulak sayo para mainis ang buong klase at may masabi tungkol sayo..  kasi kung hindi mo naman nagawa ito,, wala kang maririnig mula sa amin.. 

Saturday, March 5, 2011

..03/05/11.. tulog..

unang taon palang namin sa kolehiyo, para na kaming sabik sa tulog.. masandal dito, maupo dyan.. tulog... kahit may klase, tulog..  after magsagot ng exam, pagdating sa bahay.. tulog...  bakit kaya ganoon..   


this past week, naobserbahan ko hindi lamang sa sarili ko, pati na sa ibang tao, sa mga kaklase ko.. mahilig kami matulog..  sampol?   super recent..  kagabi, pagdating ko sa bahay, 7pm.nagbasa ako saglit ng libro ni bob ong, ung paboritong libro ni H... nakaramdam ako ng hapo sa katawan, nahiga ako saglit,, sabi ko, "tatayo ako mamaya, may long test pa kami sa AnaPhysio bukas"..  nagising ako?   alas-6 ng umaga.. nako, di na nakapagreview...  alas-8 ang pasok..  tsk3...  bahala na..    pagdating ng hapon..  pumunta kami sa old gym ng school, sa Valencia hall.. may nstp kasi yung barkada ko, hinintay namin..  yung lamig ng bleachers, tiniis namin, humiga doon at presto!   tulog...   :)    ngayon?   inaantok nanaman ako..  :/

paano pa kaya yung susunod na mga taon para sa amin?   baka naman naglalakad na lang makatulog pa ko..  :(


..03/05/11.. kalokohan time? :)

sinend ng friend ko just a while ago in the most serious moment of my day...




TOP 7 problems of college students:


7. tuition fee
6. allowance
5. exams
4. professors
3. grades
2. lovelife












1. yellow paper






hahahahah...  kasi naman,,  tama nga!!  ahahahah..


that was just this week...  thursday, sinimulan kami ng Biochem,.. "okay, you'll make a seatwork, get a piece of yellow paper and tabulate the different glands in endocrine system"..  silence occupied the room..  bilang bulungan..  "may yellow paper ka?  pahinge..  :)"   sinundan ng Filipino.. "gawin nyo yung outling ng kabanata 1-5 sa yellow paper" nagulat kami...  bulungan ulit.."may natira ka pang yellow paper? pahinge.."   di pa natapos..  friday, English..  "okay make your own application form and resume on a sheet of yellow paper.."   speechless kami..    kaya ang requirement na sa section namin...  BRING YOUR OWN YELLOW PAD IN CASE OF EMERGENCY...   :)

..03/05/11.. wishlist.. :)

hahahah...  ganda ng entra..  TAWA!!  hahahaahah...  :)




march...  bakit ka dumating?   ayaw ko pa umalis sa masaya at sweet 16 life ko..  :(      grabee...  malapit nanaman mabawasan ang paglalagi ko sa mundong ibabaw.. isang taon nanaman ang magdadaan..  so..  ngayong  sobrang lapit ko na mag-17..  ano nga ba ang plano ko??   well,, i'll go out of my shell and try something new..  like what???  hmmm...  wait....      ...     ...    ..    .       pwede state ko muna ang wishlist ko??   excited kasi ako e..   bwahahahahhaahh..     :D






17 wishes for my 17th birthday..  :)


1. unang-una!  sana mabati ako ng mga taong inaasahan kong batiin ako..  especially EPSITAXIS!!  woot!


2. sana makarecieve ako ng chocolatessssss!!   that's my weakness..  :)


3. gusto kong masurprise...  :p    hoi Mit PRAT..,, siguraduhin nyong surprise yan..  hahahaahhah,, assuming naman ako..   XD


4. sana this year na kami makalipad,, pero parang super sad naman ako sa mga iiwan ko..  :(


5. sana may pera ako sa birthday ko.. :)


6. magbayad na kayo ng utang woohh...  lalo ka na JEAN MARIE MAGADIA..   wag mo kami takbuhan... :p


7. gusto ko ng gift from the least expected person..   para anonymous,,  cute!


8. mabati ako ni Toni Gonzaga sa t.v,..  bwahahahahhahahah,,  :p


9. haba pala noh,, nabablangko ako..  nu pa ba gusto ko..  world peace?


10. ahh!   i want to have a book..  gusto ko ng fiction or the most crazy book you ever know..  mas maganda kung horror...  :)


11. anu pa ba?  gusto ko ng text from him..  :p


12. i want to go out with my friends..  :)


13. gusto ko ng pabango ni ate Jackylyn Umali.. seduction..  :)


14. gusto ko pumunta sa alma mater school ko.. for some reasons..


15. sana wala nang corrupt.. :)


16. sana tumaas na sweldo ng mga nagtatrabaho..  :)


17.  








--hirap pala humiling..  madami pang iniisip..  :p   bakit bakante yung huli??  kasi, usto ko, ikaw naman ang humiling para sa akin.. para cute..  :)    hahahaahahah...   napakaimposible nung mga nakalagay ko..  bwahahahaahahahahahahahahahahahahahaahahahahha!!




change something?   wag na kaya?   may mga natutuwa naman sa akin, kaya ayon nga sa nakalagay sa header ko.. 


THIS IS ME, BEAR WITH ME..  :)   [i'm normal, it's everyone else that needs adjusting]

..03/05/11.. reSume

last friday, sa English class namin,ang topic ay making an application letter and resume..  pinagdala kami ng example nun.. syempre napakabait ko, wala akong dala..  :)   binigyan kami ng pattern, personal information, educational background, at employment experience, pero wala pa kaming expi.sa pagwowork kaya napagdesisyunan ni mam na mag-imbento muna kami ng dream work namin, nagmention siya ng iba't-ibang trabaho, pwede daw na baranggay health nurse, or crew sa fast food chain, call center agent, volunteer nurse at CI..   wow!  CI??  clinical instructor??    astig..  natuwa ako, kasi parang magandang work nga iyon..hahahahah..  base sa mga nakikita ko sa college of nursing, respetado tignan lahat ng CI,ang kyoot!  lalo na kapag magkakasama sila suot ang designated color for the day, yung makakasalubong mo sila, babatiin then they would respond, smiling.. wow...   haharap sa mga estudyante at maglelecture ng sobrang sigla,...  :)   kasi para sa akin, sila ang nagseset ng mood for the day, kapag mainit ang ulo nila, or jolly..yun din nararamdaman namin..  :) kapag ako, naging CI.. magiging jolly ako all the time, i don't want to be boring... ihihiwalay ko ang buhay-bahay sa buhay-eskwela..  di ba.,bongga!!   hahahahahah...  iyon ay KUNG magiging CI ako,,,  ipapasa ko muna yung mga subject ko ngayon...  pero sabi nga nila...  "kung mangangarap ka rin lang, taasan mo na, libre lang naman e.."    heheheheheh..  :)

Thursday, March 3, 2011

..03/03/11.. burden niya, dala ko din..

wednesday,,  i saw someone na umiiyak, well..kilala ko sya, pero di nya ata ako tinuturing na friend...  :'/  morning kasi iyon, nasa room kami..my pinapraktis para sa activity.. pumasok siya ng room like everything is normal, medyo nakasimangot nga lang, iyon ang unusual, coz dati, papasok siya, napakagwapo, nakangiti, tapos kapag binati mo ng good morning, isang nakakamatay sa kilig na "Hello" ang sagot niya...  sa hitsura niyang iyon, i know, something's wrong..  di ko naman sinasadya na makita ang mga sumunod na nangyare...  lumapit siya sa isa niyang super friend, tapos nakita ko na lang, nakayuko siya, yung friend nya hinihimas yung likod nya, parang kinocomfort.. i'm not sure what's happening..  pero nakita ko humihikbi siya,,  ahh...  umiiyak..  naisip ko,, ano kaya ang problema niya, gusto kong makatulong..  gusto kong maging kaibigan niya, pero paano??  tama ba??  wala akong magawa...  isip.isip.isip....   nakita ko, nahahawi yung kurtina sa pagitan namin, in other words, baka makita pa siya ng ibang tao,, kaya i made the first move...  pumunta ako sa lugar na abot ko si kurtina pero wala akong maririnig mula sa kanila.. hinawakan ko si kurtina para walang makakita sa kanya... di pinokus ang atensyon sa naguusap, nakichika ako sa classmates ko para walang marinig sa kanila...  after around a minute or two,, pinakiramdaman ko kung tapos na,,  okie na.. nagulat ako ng tumayo siya, hawak ang panyo pinunasan ang luha,, at bumalik ang dati na parang walang nangyari... isang mahusay na pagpapalit-anyo...  bilib ako sa kanya, ibinuhos niya ng isang bagsakan ang pasan na mundo tapos ayos na,, :)     akala ko kaya na niya,, pero mali ako...  alintana pa rin sa kanya ang lungkot..  di ko na narinig ang masaya niyang tawa, ang magiliw na bati sa pasilyo, kahit ang anino niya ay di ko pa nakikita.. nalungkot ako para sa kanya.. kailan ko kaya ulit mararamdaman ang presensya niya? kung sana makatulong ako sa kanya..  pero sapat na ata yung tignan ko siya mula sa malayo..