Monday, March 21, 2011

..03/21/11.. sya pa rin..

nakakagulat man, pero hindi ko rin alam kung bakit lagi ko na lang nasasagap ang ilan sa mga balita tungkol sa kanya, bigla na lang lalabas yung balita sa harap ko kahit hindi ko siya hinahagilap...tulad kanina..


nasa klase kami, nakangiti lang ako, tulala,..bigla akong kinausap ng kaibigan ko, "bakit ka nanaman nakangiti?"  teka, bakit nga ba?   hahahahah..  naisip ko siya bigla.. "ahh, kasi nakamove-on na ko..hahahahah"  teka..bakit nakamove-on? e may something ba?   aning lang talaga ako.. :p   bigla na lang kinuwento ng kaibigan ko na nakita niya si epistaxis nung biyernes, habang kasalukuyan akong natutulog sa bench sa tapat ng nutri room.. 


"ahh, naglalakad siya palabas nung skills lab., nakatungo, umiiyak ata.. tapos tumapik ng estudyante, may sinabi..tapos mabilis na lumakad pababa ng hagdan, naramdaman ko yung malungkot at mabigat na aura, nalulungkot din ako, tapos narinig ko, pinag-uusapan siya, aalis na daw, sayang naman, gusto ko pa siya dito..  :("  --tugon niya..


napawi yung ngiti at aning ko nung marinig ko iyon, labis akong nalungkot..  sayang naman...


--base sa paniniwala ko at natutunan ko dito na, may mga taong sadyang sakim..para silang mga alimango, kung sino pa ang nakakaangat, ang siya nilang hihilahin pababa.. nakakalungkot, nakakaawa ang susunod na henerasyon, hindi na nila mararanasan o makikita ang liwanag na mayroon sa madilim na pasilyo ng karunungan..  :'(   










bakit nga kaya sila aalis?  hindi ko talaga maunawaan..  :'((((

No comments:

Post a Comment