Saturday, March 5, 2011

..03/05/11.. tulog..

unang taon palang namin sa kolehiyo, para na kaming sabik sa tulog.. masandal dito, maupo dyan.. tulog... kahit may klase, tulog..  after magsagot ng exam, pagdating sa bahay.. tulog...  bakit kaya ganoon..   


this past week, naobserbahan ko hindi lamang sa sarili ko, pati na sa ibang tao, sa mga kaklase ko.. mahilig kami matulog..  sampol?   super recent..  kagabi, pagdating ko sa bahay, 7pm.nagbasa ako saglit ng libro ni bob ong, ung paboritong libro ni H... nakaramdam ako ng hapo sa katawan, nahiga ako saglit,, sabi ko, "tatayo ako mamaya, may long test pa kami sa AnaPhysio bukas"..  nagising ako?   alas-6 ng umaga.. nako, di na nakapagreview...  alas-8 ang pasok..  tsk3...  bahala na..    pagdating ng hapon..  pumunta kami sa old gym ng school, sa Valencia hall.. may nstp kasi yung barkada ko, hinintay namin..  yung lamig ng bleachers, tiniis namin, humiga doon at presto!   tulog...   :)    ngayon?   inaantok nanaman ako..  :/

paano pa kaya yung susunod na mga taon para sa amin?   baka naman naglalakad na lang makatulog pa ko..  :(


No comments:

Post a Comment