Friday, August 5, 2011

..08/05/11.. sorpresa

last tuesday  (august 2,2011)..  naalala kong debut ng isang super close friend ko.. kaya lang, wala daw siyang party..at may pasok kami nun..community pa.., so habang pauwi, ginugulo ako ng utak ko, iniisip kung paano ko mapapasaya ang araw nya.. hanggang sa may naisip ako..hiningi ko ang tulong ng mga kagrupo ko para masurpresa siya.. ang plano, hihiramin ko yung research para doon ganapin ang churprise!  kaya lang parang imposible, kaya may plan B.. sa jeep na..balak ko, ililigaw ko muna yung may birthday habang hinahanda nila yung surprise, tapos pag handa na, babalik kami sabay..surprise!  cupcakes lang ang naisip ko na mura at madaling mabili..


  kinaumagahan, natataranta akong pumasok at inikot lahat ng convenience store malapit sa eskwelahan para sa cupcake..wala daw! inikot ko naman yung buong canteen sa school para sa 18 pcs.na cupcake..solb! nakabili din ako ng mga kandila.. matapos nito ay pinakitago ko sa research yung cakes,.. sa tulong ng aming propesora, naisagawa namin ang sorpresa..  inutusan niya kaming dalawa na magpa-photocopy ng ilang dokumento..paglabas namin, hinanda na ang sorpresa.. nang bumalik kami ng celebrant, sumalubong sa kanya ang magiliw naming kanta na 'happy birthday'.. kasabay nitong tumulo ang kanyang luha..  na-touch ako.. di ko expected na mapapaiyak ko siya.. lubos ang kanyang tuwa at labis ang pasasalamat sa sorpresang ibinigay namin sa kanya..    






  BELATED HAPPY 18th BIRTHDAY KAPATID!! WE LOVE YOU!!   :*


>pictures will be posted soon<

No comments:

Post a Comment