[baka may makabasa pa nito, kaya i'll cut it short]
sa side A, pinaglalaban ang effort at pagod, lalo na ang sakripisyo..
--in my opinion/part..dapat sana handa tayo bago sumabak sa giyera, kahit di mo ito ginusto..ito pinasok mo, ito ang pinili mo, sana sumunod muna tayo bago magreklamo, nag-aaral ka e..lingid sa kaalaman ng nakararami, nagpupuyat tayong lahat (lahat ng sangkot)..as in tayo, walang exception..kaya wala tayong karapatan magreklamo..para sa atin din iyon..sana nasubukan muna natin bumisita sa future workplace natin para maintindihan natin, kumbaga sinasanay tayo at ang stamina natin.,kung pa-easy easy lang tayo, walang mangyayari, wala tayong matututunan..baka bukas makalawa, magpasalamat pa tayo at naranasan natin ang sakit na iyon..maniwala sana tayo sa kanila,alam nila ang ginagawa nila..sabi nga nila.."no pain, no gain".. di tayo pwedeng i-baby pa, malaki na tayo..hinihigpitan tayo para madisiplina at di mawili si katamaran..sana tignan natin ang bawat kanto, di pwedeng sarili lang ang iniisip..
sa side B, pinaglalaban ang pagpupursige at pagsisipag..
--sa pananaw ko.. tama naman ang pinaglalaban, masyado lang sigurong sunod-sunod.. kaunting hinga lang ang hihingin.,wag din sana lahatin,yung tipong kasalanan ng isa, sakripisyo ng lahat..makita sana ang kaunting effort sa mga gawain,. alam kong ang punto nito ay para sa karunungan ng nakararami,sana lang kaunting tiwala..iyon lang, at ang huli, alam naman nating lahat ng tao ay napapagod, naiinis sa dami ng gawain, sana sa mga panahong di maganda ang gising, wag sana natin dalhin sa buong araw ang :( , maaari itong magdala ng bigat sa kalooban ng nakararami na siyang nakakapagdulot ng karagdagang pagod sa amin..
hiling lamang sa bawat kampo na sana isang komperensya ang maganap kapag di na gaanong abala upang ang ilan sa mga puntong ito ay mabigyang linaw at para sa kaayusan ng lahat..maraming salamat sa inyong pagdulog sa blog post na ito., nawa'y di ito mabigyan ng maling interpretasyon.. 'ang blog ay ginawa para sa personal at malayang pagpahayag ng anumang naisin basta't di ito nakakasira o nakakapinsala sa mga tao sa iyong paligid'.. maraming salamat muli.. :)
No comments:
Post a Comment