Wednesday, June 1, 2011

..06/01/11.. in just a glimpse

marami palang pwedeng mangyari sa isang iglap... bakit nga ba ganoon? 
    inaabot ka ng oras sa pagluluto, pero minuto sa pagkain nito..
    yung inaral mo ng ilang linggo, isasagot mo lang sa ilang segundo..
    paghahanda ng wine, taon ang inaabot, inumin mo yun, ilang oras lang..
    makilala mo yung isang tao ng ilang buwan, pero yung pag-alis niya isang iglap lang...  bakit ganoon?




   "kakaiba siya", iyan ang dialog ng ilan sa mga tinanong ko tungkol sa instructor namin,.. bakit nga ba?  "mabait siya, palabiro, kung bumanat kakaiba, maraming matututunan, walang dull moment sa kanya.."  kung ganyan ba naman yung makakasama mo kahit minsan sa isang linggo, o makakasalubong mo sa pag-ikot mo sa pasilyo..  what more can you ask for? :)


    di ko pinili yung kursong pinasok ko, sumuong ako sa pagsubok na walang katiyakan kung ano ang kahihinatnan ko.. sumabay ako sa pagdaloy ng panahon habang bagot na bagot sa buhay ko,..pero bago ko pa man matapos ang unang taon ko sa buhay na ito, nakilala ko yung tao na nagpamulat ng mga bagay sa amin..  di pala dapat katakutan, fight lang..wag ka mape-pressure, relax lang..kaya mo yan, walang imposible..wag serious,tawa ka paminsan..magsikap ka lang, set your standards and priorities.. yan ang natutunan ko.. marami siyang na-inspire at na-touch na buhay, pero sayang nga lang at mukhang aalis na siya.. 


    batay sa mga nagkakantahang palaka sa paligid, may mga nasagap akong chika kung bakit, paano, kailan,saan.. halo iyon, may totoo at may chika lang talaga.. tingin ko, hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ito..  sabi nga nila "lahat tayo may kanya-kanyang dahilan kung bakit natin ginagawa ang isang bagay, maaaring ito ay para sa makakabuti, o taliwas dito.."  wala ako sa posisyon para magreklamo, pero sana lang tama yung mga nagiging desisyon (opinyon ko lamang ito)..   ako, bilang estudyante, mag-aaral ng mabuti.. kayo, bilang nasa mataas, ang titimbang ng mga bagay para sa nakararami..


   para sa taong iyon na nawalan.. don't loose hope..  "never regret people who can't love you.. someday,somehow they will realize.. living without you, is the kind of life they hate to have to."
cheer up!  you're never alone... "A goodbye isn't painful unless you're never going to say hello again.."  and "Every farewell makes the next hello closer."  karangalan po namin na makilala kayo, maraming maraming maraming salamat po sa lahat lahat.. i hope this is not the end..    God bless you more..  :)


The road to happiness is under construction..

No comments:

Post a Comment